^

Metro

Rali sa Mendiola ubra, pero sa EDSA binara

-

Maaari na umanong ma­kapag-rally ang gru­pong Bagong Alyansang Maka­ bayan (Bayan).

Ito naman ang nabatid mula kay Bayan Secre­tary General Renato Reyes ma­tapos na uma­nong big­yan sila ng  per­mit  ng  Manila City Hall.

Ayon kay Reyes, nag­pa­­pasalamat sila kay Manila Mayor Alfredo Lim dahil tinotoo nito ang kan­yang pangako na papa­ya­gan silang makapag-rally sa Mendiola sa Lunes kasa­bay ng pag­gunita sa ika-22 taong anibersaryo ng People Power 1.

Sa katunayan umano ay nagulat siya nang ma­tanggap ang permit na pi­nir­mahan ni Rafaelito Ga­rayblas na secretary to Mayor.

Nabatid naman kay Garayblas na mahigpit ang kautusan ni Lim na bawal ang  pagsasagawa ng rally tuwing may pa­sok habang  pinapayagan lamang na magsagawa ng rally ang mga pro­testers kung holi­day at wa­lang pasok sa Men­diola.

“Dahil holiday naman ang February 25, pinaya­gan sila ng city govern­ment”.  

Kung okey sila sa Men­diola, inisnab naman ng ­City government ang kahilingan ng grupo na  makapagsa­gawa   ng pro­testa sa harap ng People Power Monu­ment sa Lunes.

Sinabi ni Manuel Sa­bal­sa, hepe ng Depart­ment of Public Order and Safety (DPOS) ng QC hall, hindi ma­aaring big­yan ng city government ng permit to rally ang naturang grupo dahil hindi nila pinapayagan ang anumang political gatherings sa naturang establisimiento.

Ayon kay Sabalsa, pina­yuhan na lamang niya si BAYAN secretary-general Renato Reyes na makipag- ugnayan sa Department of Social Welfare and Deve­lop­ment (DSWD) para ma­­­ki­pag-usap naman sa Eastern Police District at sa Metro Manila Development Authority (MMDA) na siyang nagbibigay permiso para dito. (Doris Franche at Angie dela Cruz)

AYON

BAGONG ALYANSANG MAKA

BAYAN SECRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with