Muli na namang ibinaba ng grupong Liquified Petroleum Gas Marketers Association (LPGMA) ang presyo ng kanilang cooking gas matapos na bumaba ang contact price nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon kay LPGMA president Arnel Ty, ang pani bagong 50 sentimos kada kilo o kabuuang P5.50 kada 11 kg. na tangke ng cooking gas ay kanilang ika-apat na rollback ngayong buwan ng Pebrero matapos na ibaba din nila ng kahalintulad ding presyo ang kanilang tindang LPG noong nakaraang linggo.
Dakong alas-12:01 ngayong hatinggabi ng simulan ng grupo ang panibagong price adjustment. Ibinalita ni Ty na sa ngayon ay muling bumaba ang presyo ng contact price ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan at inaasahan pa na patuloy pa itong bababa sa susunod na buwan dahil tapos na ang panahon ng taglamig sa mga oil importing countries.
Tapos na kasi ang taglamig sa mga bansang pinag-aangkatan natin ng produkto na alam naman nating napakamahal kapag noong panahon dahil sa taas ng demand at kakaunti ang supply dahil sa hirap ibiyahe,” paliwanag ni Ty.
Dahil sa panibagong pagbaba ay umaabot na sa P2.50 kada kilo o kabuuang P27.50 kada 11 kg na tangke na kadalasang ginagamit sa bahay. (Edwin Balasa)