Modernisasyon ng Bureau of Fire giit
Muling nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na gawing “priority bills” ang modernisasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP) na agad nangangailangan ngayon ng higit 1,800 fire trucks upang epektibong masawata ang mga sunog na nagaganap partikular sa mga lungsod sa bansa.
Sinabi ni DILG Sec. Ronaldo Puno na kasalukuyan lamang may 1,629 trak ang BFP kung saan 357 rito ay hindi gumagana dahil sa sira. Sa populasyon na 88.5 milyon nitong taong 2006, nangangailangan ang BFP ng 3,163 trak kung saan kapos pa ang bansa ng 1,891 fire trucks upang matugunan ang mga pangangailangan sa pag-apula sa mga sunog.
“If we deduct the existing 1,272 serviceable units, the BFP urgently requires an additional 1,891 units of fire trucks. To date, the actual fire truck-to-population ratio is one for every 69,626 persons,” ayon kay Puno.
Kailangan umanong mapagbago na ang BFP upang handa na rumesponde sa mga oras ng “emergency” ngayong panahon dahil sa patuloy na banta sa pambobomba ng mga terorista at pagbabago ng klima.
Sa kanyang memorandum para sa Pangulo, hiniling nito na unahing isabatas ang panukala nina Rep. Roilo Golez, Rep. Darlene Antonino Custodio sa Kongreso at panukala nina Sen. Miriam Defensor
Habang nalalapit naman ang Marso na Fire Safety Month, mahigpit na iniutos ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte sa “business permits and licensing office” na tiyaking lahat ng negosyo at establisimiyento sa lungsod ay tumutupad sa “Fire Safety Code” upang maiwasan ang malalaking sunog. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending