Parak sugatan sa sariling baril

Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na ka­matayan ang isang pulis matapos na ma­agawan ito ng kanyang sariling baril ng ina­aresto niyang isa sa “most wanted criminal” at nang akmang ipuputok ito sa ulo ng una ng huli ay pumalya at sa halip ay  ipinam­pukpok na lamang sa ulo ng na­bang­git na pulis hanggang sa ito ay mag­kabukul-bukol, kahapon ng umaga sa Pasay  City.

Ang biktimang si PO3 Fernando Carlos, nakatalaga sa Warrant & Sub­poena Section ng Pasay City Police ay nag­ka­bukul-bukol ang ulo nang pagpa­paluin ng kanyang sariling baril ng sus­pect na si Alberto de Asis, Jr., 24, ng Saint Theresa St., Marica­ban, Pasay. Nabatid na ang suspect ay ina­resto ng biktima sa bisa ng warrant of arrest kaugnay sa kasong murder na ipina­labas ni Pasay City Regional Trial Court (RTC) Judge Jesus Mupas ng Branch 112 nitong nakara­ang November 16, 2007.

Napag-alaman na si de Asis at ang nakaba­batang kapatid nitong si Alberto ang sinasabing pumatay sa kanilang kapit­bahay na kinilalang si Henry Mabag noong nakaraang taon sa Brgy. Maricaban.

Ayon naman sa pahayag ni Carlos, na­ka­tanggap siya ng tawag sa cell­phone mula sa isang impormante dahil sa pre­sensya ng suspect na nakasuot ng bull cap at dilaw na t-shirt habang nagla­laro ng sakla sa isang lamay sa patay. Dahil dito ay agad na tinungo ni Carlos ang itinurong lugar at positibo nga nitong natag­puan ang suspect sa lugar na ibini­gay ng impormante.

Nang akmang aarestuhin na ni Carlos, agad na nagtatakbo ang suspect pero na­sukol ito ng una nang madakma sa braso, nagawang maagaw ng huli ang baril ng nabanggit na pulis itinutok sa ulo pero hindi pumutok dahil naka-safety locked ito. Dahil hindi pumutok ang 9mm na baril ng pulis ay pinagpapalo na lamang ng sus­pect sa ulo ang una ng maraming beses hanggang sa halos mawalan ito ng ulirat. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments