Preso nagbigti sa selda

Dahil  sa sobrang lung­kot at depresyon  matapos na iwanan ng kanyang misis, winakasan na la­mang ng isang preso ang kanyang buhay sa pama­magitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang selda ka­hapon ng madaling-araw sa Ermita, Mayniila.

Dead-on-arrival sa Phi­­lippine General Hos­pi­tal  ang biktimang si Guido Ferrer, alias Boyet Bulag, 33, pedicab driver ng 832 Oroquieta St., Sta Cruz, Manila.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, nadis­kub­re ang bangkay ng biktima dakong alas-3:30 ng ma­da­­ling-araw  ng kapwa in­mate nito na si Esmael Cassim sa loob ng deten­tion cell ng MPD-District Anti Illegal Drugs (DAID), MPD compound, U.N. Avenue, Ermita, Manila.

Una rito ay naikuwento na umano ng biktima kay Cassim ang  kalagayan ng kanyang mga anak at nai­isip umano nito kung kuma­kain pa ang kanyang mga anak matapos na iwanan siya ng kanyang live-in partner at madakip siya ng pulisya. Dakong alas-3:30 ng ma­da­ling-araw nang ma­gi­sing si Cassim at na­dis­kubre ang kapwa in­mate na nakabigti na ito gamit ang isang elec­­trical cord.

Sa rekord, si Ferrer ay inaresto sa kasong pag­labag sa Section 5 Article III ng RA 9165 (Drug Push­ing) at walang piyansa.

Gayunman, iniimbesti­gahan pa rin ng mga awto­ridad kung may naganap na foul play sa pagka­matay ng biktima at kung paano hindi napansin ng desk officer ng naturang division ang pagkamatay ng bik­tima dahil halos nasa liku­ran lamang ng desk  coun­ter ang deten­tion cell. (Grace dela Cruz)

Show comments