Amok sugatan sa  pulis

Kritikal  ang isang mis­ter makaraang barilin ito ng isang pulis nang tang­kaing tagain ng una  ang bayaw ng huli, kahapon ng hapon sa Pasay City.

Agaw-buhay na isinu­god sa pinakamalapit na pagamutan si  Danilo Gero­nimo, 37, residente ng 851 E. Cornejo St., ng nabang­git na lungsod.

Samantala, kinilala na­man ang nasabing pulis na si PO2 Rommel Decena, nakatalaga sa Makati City Police na agad na isina­ilalim sa im­bestigasyon kaugnay sa naganap na pamamaril nito sa biktima.

Batay sa inisyal na im­bestigasyon ng may hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng hapon nang mang­yari ang nasabing insidente sa E. Cornejo St., Pasay City.

Nabatid na bago ang pamamaril, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng bik­tima at bayaw ng natu­rang pulis na kinilalang si Renato Lasig na human­tong na­man sa suntukan.

Bunga nito, umuwi uma­­no ang biktima sa kanilang bahay at nang bu­malik ay armado na ito ng jungle bolo at sinugod ng taga ang naka-away na si Lasig.

Tiyempo namang na­roon ang pulis sa lugar sa pagsugod ng suspect at nang akma na nitong ta­tagain ang bayaw ng una ay napilitan umanong bu­munot na ang nasabing parak ng baril at agad na pinaputukan ang biktima.

Agad namang tina­maan sa likurang bahagi ng katawan nito ang bik­tima na tumagos sa kan­yang tiyan.

Dahil sa nasabing in­sidente ay agad na ina­aresto ng mga rumespon­deng pulis ang kanilang ka­baro na si PO2 De­cena at agad na dinala ito sa him­pilan ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments