Amok sugatan sa pulis
Kritikal ang isang mister makaraang barilin ito ng isang pulis nang tangkaing tagain ng una ang bayaw ng huli, kahapon ng hapon sa
Agaw-buhay na isinugod sa pinakamalapit na pagamutan si Danilo Geronimo, 37, residente ng 851 E. Cornejo St., ng nabanggit na lungsod.
Samantala, kinilala naman ang nasabing pulis na si PO2 Rommel Decena, nakatalaga sa Makati City Police na agad na isinailalim sa imbestigasyon kaugnay sa naganap na pamamaril nito sa biktima.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng may hawak ng kaso, dakong alas-2:30 ng hapon nang mangyari ang nasabing insidente sa
Nabatid na bago ang pamamaril, nagkaroon ng alitan sa pagitan ng biktima at bayaw ng naturang pulis na kinilalang si Renato Lasig na humantong naman sa suntukan.
Bunga nito, umuwi umano ang biktima sa kanilang bahay at nang bumalik ay armado na ito ng jungle bolo at sinugod ng taga ang naka-away na si Lasig.
Tiyempo namang naroon ang pulis sa lugar sa pagsugod ng suspect at nang akma na nitong tatagain ang bayaw ng una ay napilitan umanong bumunot na ang nasabing parak ng baril at agad na pinaputukan ang biktima.
Agad namang tinamaan sa likurang bahagi ng katawan nito ang biktima na tumagos sa kanyang tiyan.
Dahil sa nasabing insidente ay agad na inaaresto ng mga rumespondeng pulis ang kanilang kabaro na si PO2 Decena at agad na dinala ito sa himpilan ng pulisya. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending