^

Metro

19 na  isnaberong taxi driver dinakip

-

May 19 na “isnaberong” taxi driver ang naaresto sa ikinasang “Oplan Isnaberong Tsuper ng Makati City.” Sa panayam kay Makati Police Chief Supt. Gilbert DC Cruz, ikinasa nila ang nasabing operasyon laban sa mga “isnaberong” taxi drivers makaraang ulanin ng reklamo ang kanyang tang­gapan ng mga residente at commuters ng lungsod na nabiktima ng mga taxi driver na namimili ng pasahero  at nagdadagdag ng patak sa metro o over pricing sa pamasahe.

Ayon pa kay Cruz, nagiging epektibo ang pagpapakalat niya ng mga naka-plainclothes na operatiba na nagmatyag sa mga kalsada sa Makati kasabay ng pagsagawa ng entrapment operations laban sa mga tiwaling taxi driver.

Nabatid na ang lahat ng mga na­arestong tsuper ay pagba­bayarin ng karampatang multa bukod pa sa pagka­kakumpiska ng mga driver’s license ng mga ito at  pagbabayad ng P1,000 base sa nakasaad sa inisyung Ordinance Violation Receipts laban sa mga una. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

CRUZ

MAKATI

MAKATI POLICE CHIEF SUPT

NABATID

OPLAN ISNABERONG TSUPER

ORDINANCE VIOLATION RECEIPTS

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with