Dalaga tinodas sa sementeryo?
Isang malaking palaisipan ngayon sa mga awtoridad ang pagkasawi ng isang dalaga na natagpuan sa loob ng isang mausoleum sa isang public cemetery sa
Wala nang buhay at nakahandusay nang madiskubre ang biktima sa isang mausoleum na kinilalang si Serine Dinglasan, 25, residente ng 408 Mapagkalinga St. ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ni Dinglasan dakong alas-6:00 ng umaga sa mausoleum.
Batay naman sa pahayag sa pulisya ni Myrna Roldan, 45, ng 400 Sgt. Mariano St., Pasay City, dakong alas-3:00 ng madaling-araw, lumabas siya sa kanilang bahay upang umihi at nakita niya ang nobyo ng biktima na si Luisito Azarco, 44, na hinahatak sa loob ng mausoleum ang walang malay na biktima.
Labis umano siyang natakot nang makita ang suspek na nanlilisik ang mga mata habang nakatitig sa kanya kaya dali-dali siyang pumasok sa kanilang tirahan.
Subalit bandang alas-6:00 ng umaga ay muling nakita ni Myrna ang suspek habang isinasara ang gate na bakal ng mausoleum at nakita na lamang ng una ang katawan ng biktima na nakahandusay at wala nang buhay.
Dahil dito, agad na humingi ng tulong si Myrna sa barangay na siya namang nag-report sa pulisya.
Mabilis namang rumesponde sina SPO1 Leoncio Muñoz at tanod na si Roy Dial ng Barangay 148, Zone 16 sa naturang lugar kung saan naabutan pa ang suspek sa loob ng nasabing sementeryo habang natagpuang patay na ang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending