Misis ng iba kinalantari: Palikero itinumba

Nasawi ang isang 42-anyos na lalaki makaraang pag­sasaksakin ng kanyang kapitbahay na nagalit maka­raang malaman na kinaka­lantari umano niya ang misis nito kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Ernesto Quitalig, residente ng #10 Dr. Villareal st., Gulod, Nov­aliches ng naturang lung­sod. Hindi na ito umabot nang buhay sa  Novaliches General Hospital dahil sa tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaghahanap naman nga­yon ng mga pulis ang naka­takas na suspek na si Ronnie Estanislao alyas Pogi, 28, tubong Pangasinan at kapit­bahay ng biktima.

Base sa ulat ng Quezon City Police District Station 4, naganap ang insidente dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Villa­real St. sa naturang lugar.

Lumilitaw sa imbestigasyon na nalaman ni Estanislao mula sa mga kaibigan na kinaka­lantari ng biktima ang kanyang asawa kaya agad na sumiklab ang matinding galit nito. Dito nito agad na sinugod ang ba­hay ng biktima at sinaksak ito.

Show comments