Misis ng iba kinalantari: Palikero itinumba
Nasawi ang isang 42-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay na nagalit makaraang malaman na kinakalantari umano niya ang misis nito kamakalawa ng hapon sa
Nakilala ang nasawi na si Ernesto Quitalig, residente ng #10 Dr. Villareal st., Gulod, Novaliches ng naturang lungsod. Hindi na ito umabot nang buhay sa
Pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang nakatakas na suspek na si Ronnie Estanislao alyas Pogi, 28, tubong Pangasinan at kapitbahay ng biktima.
Base sa ulat ng Quezon City Police District Station 4, naganap ang insidente dakong alas-4:00 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Villareal St. sa naturang lugar.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nalaman ni Estanislao mula sa mga kaibigan na kinakalantari ng biktima ang kanyang asawa kaya agad na sumiklab ang matinding galit nito. Dito nito agad na sinugod ang bahay ng biktima at sinaksak ito.
- Latest
- Trending