^

Metro

2 ‘pasaway’ na tanod, timbog

-

Naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang dalawang lasing na ba­rangay tanod  matapos na mag ala-Rambo ang mga ito sa gitna ng kalsada at mambugbog ng isang driver kahapon ng umaga sa Binondo, Maynila.

Wala pa sa katinuan dahil sobrang kalasingan  nang dalhin sa tanggapan ng  MPD -Station 11 (Binondo) ang suspek na sina Alfie  Basan, 26, binata ng 611 Barcelona St., Binondo, Manila at Jesus Rimon, 26,  may-asawa ng 613 Barcelona St., Binondo, kapwa tanod  ng Brgy. 211 District 3 sa ilalim ng Brgy. Chairman Luis Ong.

Bugbog sarado naman ang bik­tima na si Crisologo Ba­quiano, 29,   ng Gate 7, Area C, Parola compound, Binondo ma­tapos na pagtulungan ng mga suspek.

Base sa ulat, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa pa­nu­lukan ng Elcano at Lavezares  Sts., Binondo. Kasalukuyan uma­nong binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Elcano St., su­balit pagdating sa kanto ng Lave­zares nang parahin ng mga sus­pek ang minamaneho nitong  mo­torsiklo dahil umano sa sim­pleng pagsaway sa batas trapiko.

Dahilan dito kayat nauwi sa pag­tatalo ang pag-uusap ng biktima at mga suspek hang­gang sa walang sabi-sabing pinag­bubugbog ang una subalit nakatakbo ito at nakapagsum­bong sa pulisya.

Kaagad nagsagawa ng folllow-up operation ang pulisya at naabutan pa ang mga suspek na nakasuot ng civilian clothes at walang ID habang mistulang mga traffic enforcer na pinapara at sinisita ang mga dumadaan sasakyan at sinisigawan ang mga ito habang lasing na lasing.

Nakipag-ugnayan din si Supt. Nelson Yabut, Hepe ng MPD-Station 11 sa Brgy.  Bureau para sa kaukulang imbesti­gas­yon at aksyon laban sa dalawa samantalang kasong paglabag sa Sec. 844 (Breach of Peace) at Slight Physical Injuries ang isinampa laban sa mga  suspek. (Gemma Amargo Garcia)

vuukle comment

AREA C

BARCELONA ST.

BINONDO

BRGY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with