Simula sa Linggo ng gabi ay mawawalan ng tubig ang ilang lugar sa lungsod ng Caloocan sa loob ng may 12 oras.
Sa naging pahayag kahapon ng pamunuan ng Maynilad, makakaranas ng water interruption ang area ng Bagong Barrio, Morning Breeze at East Grace Park.
Ang mga partikular na lugar na maaapektuhan ay ang 10th Avenue, Rizal Avenue, J. Mariano, Barangay 86 hanggang 91, Barangay 93 hanggang Barangay 100, Tirad Pass, Mac Arthur, Cloverleaf, Barangay 81, 83 hanggang 85, Barangay 134, Samson Road, malapit sa Edsa at MacArthur Highway.
Magsisimulang mawalan ng tubig sa mga nabanggit na lugar dakong alas-11 ng gabi ng Linggo, Pebrero 17 hanggang Lunes, Pebrero 18, dakong alas-11 ng umaga.
“The water service interruption is due to the decommissioning of the old 200-mm mainline and interconnection of the newly-laid line along EDSA near corner Kalaanan St. to near corner B. Serrano, Caloocan City,” ayon sa Maynilad.
Payo ng Maynilad sa mga residente, hanggang maaga aniya ay mag-ipon na ng maraming tubig at tumawag sa kanilang hotline sa 1626 or 4362000 magpadala ng text, Maynilad 2898. (Lordeth Bonilla at Angie dela Cruz)