Lolo ipinagtanggol ang apo, todas sa 2 maton
Dahil sa pagtatanggol sa kanyang apong babae, nasawi ang isang lolo makaraang pagtulungang saksakin ng dalawang maton kamakalawa ng gabi sa
Nakilala ang nasawi na si Johnny Silva, 77-anyos, at residente ng Area Hillside, Brgy. Pansol ng naturang lungsod.
Pinaghahanap naman ngayon ng mga awtoridad ang mga tumakas na suspek na magkapatid na nakilala lamang sa pangalang Ryan at Dodoy Lustica, residente rin ng naturang lugar.
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente pasado alas-7 kamakalawa ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima.
Nauna dito, nagsumbong ang 20-anyos na apo ng biktima na si Shirley Chavez na binastos umano ng magkapatid na Lustica. Pag-uwi sa bahay, dito na nagsumbong sa kanyang lolo ang dalaga sanhi upang magwala ito at ideklara na sasamain ang dalawa kung matitiyempuhan nito.
Nalaman naman ng magkapatid ang pagbabanta ng matanda kung saan nilusob ng mga ito ang bahay ng biktima at doon ito pinagsasaksak sanhi ng agad nitong kamatayan. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending