^

Metro

PNP todo bantay sa Mendiola

-

Mahigpit  na seguridad ang ipai­iral ngayon ng Manila Po­lice  District (MPD), partikular na sa area ng Mendiola  sa  ka­­bila na sa Ayala, Makati naka­­sentro ang malaking kilos-protesta  ng  iba’t  ibang sektor na nanawa­gan sa  pag­bi­bitiw sa tungkulin ni Pa­ngu­­long Gloria  Macapa­gal-Arroyo.

Sinabi ni Supt. Romulo Sa­pi­­tula, station commander ng  Police Station 3, alas-7 pa  lamang  ng  umaga  ay  baban­ta­yan  na ng  mga  tauhan  ng  MPD at Civil Disturbance  Ma­nagement  Unit ang Mendiola.

Inaasahan  umano  nila  na  pu­­punta  ang  mga  raliyista  sa Men­diola sa sandaling maka­likom ng malaking bilang para  isulong ang kanilang pana­wa­gan. Bagama’t tiniyak ni  Sapi­tula na hind makakatapak sa Men­diola ang mga raliyista  kung wala silang permit.

Tiniyak din ni MPD Di­rector Roberto Rosales na mahigpit na babantayan ang mga vital installation sa May­nila tulad ng LRT, mall, oil depot at mga govern­ment offices, partikular na ang bisi­nidad ng Malaca­ñang. Aniya, mahigpit na ipa­tu­tupad ang 24-oras police  visi­bility  sa  buong Maynila. (Grace dela Cruz)

CIVIL DISTURBANCE

MANILA PO

MENDIOLA

POLICE STATION

ROBERTO ROSALES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with