Pandacan oil depot, pinaaalis na ng SC

Tuluyan nang pinaaalis ng Korte Suprema ang tatlong higanteng kumpanya ng langis sa oil depot sa Maynila.

Base sa 78 pahinang resulusyon ng Supreme Court (SC) ibinasura nito ang motion for reconsi­deration (MR) na inihain ng Chevron, Petron, Shell at ng Department of Energy (DOE) at sa halip ay iginiit ang naunang desisyon noong Marso 7, 2007 na nag-aatas sa pamahalaan ng Maynila na ipatupad ang Ordinance no. 8027.

Nakasaad sa naturang ordinansa na nagpapa-alis sa nasabing kompanya ng langis at ire-classify ang ilang bahagi ng Pandacan at Sta. Ana Maynila mula sa industrial to commercial.

Sinabi naman ni SC spokesman Atty. Midas Marquez, upang hindi magkaroon ng  epekto sa ekonomiya, binig­yan ng limang taon ng Korte ang mga kompanya ng langis upang makapaglipat at maialis ang imbakan ng langis sa Maynila.

Binigyan din sila ng 15-araw upang maghain ng kanilang MR sa SC en banc dahilan sa hindi pa naman umano “denied with finality” ang na­sabing kautusan na pinonente ni Justice Renato Corona ng 1st division.

Ikinonsidera rin ng Korte Suprema sa na­sabing desisyon ang magiging panganib ng imba­kan ng langis sa mga residente ng Maynila saka­ling magkaroon ng hindi ina­asa­hang pangyayari dito. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments