^

Metro

Phil. Forest ni-raid

- Nina Rose Tamayo-Tesoro at Gemma Amargo-Garcia -

Sinalakay ng mga tauhan ng National Bureau of inves­tigation (NBI) ang Philippine Forest Corporation sa Fort Boni­facio, Taguig City na dating opisina ni ZTE star witness Jun Lozada.

Batay sa ulat, hinalughog kamakalawa ng gabi ng NBI operatives ang mga naiwa­nang gamit ni Lozada sa na­sabing tanggapan at puwer­ sa­­han rin umanong binuksan ang cabinet nito na nagla­laman ng iba’t ibang doku­mento.

Sa isang panayam naman sa kapatid ni Lozada na si Arthur, sinabi nito na hindi niya matukoy kung ilang mga ta­uhan ng NBI ang sorpresang sumalakay sa dating tangga­pan ng ZTE star witness.

Hindi rin umano matiyak ng kampo ni Lozada kung may tangan na search warrant ang mga tauhan ng NBI na lumu­sob at humalughog sa Phil Forest.

Samantala, wala umanong “go signal” si Justice Secretary Raul Gonzalez sa mga ope­ratiba ng NBI  na magsagawa ng raid sa tanggapan ni dating Philippine Forest Corporation President Rodolfo  “Jun” Lozada Jr. 

Nilinaw ng Kalihim na ina­tasan lamang niya ang NBI na i-secure ang transcript ng testimonya ni Lozada sa Senate hearing subalit hindi nito sinabing i-raid ang opisina nito noong Martes ng gabi sa Taguig.

Ang nasabing transcripts ay gagamitin umano ng Depart­ment of Justice (DOJ) sa ka­nilang isinasagawang imbes­ti­gas­yon sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa $329 million national broad­band network deal sa ZTE Corp.

“The NBI may have pro­bably considered other matters in connection with the allega­tions of the admissions made by Lozada about the purchase of vehicles, the selling of jath­ropa seeds, the insurance issue but that has not been given a direction by me,” sinabi pa ni Gonzalez.

Samantala ipinagtanggol naman ni Gonzalez ang mga operatiba ng NBI na nagsa­sabing hindi na kailangan pa ng search warrant  ng mga awtoridad upang makapasok sa tanggapan ng gobyerno kung mayroong krimen na naganap dito maliban lamang umano kung ito ay pagma-may-ari ng pribadong tao at indibiduwal na ngangailangan ng naturang dokumento.

Hindi naman mabatid ng Ka­lihim kung mayroong search warrant ang mga ahente ng NBI nang pasukin ng mga ito ang tanggapan ni Lozada.

Idinagdag pa nito na ma­aaring mayroon pang ibang mga bagay na ikinonsidera ang NBI sa ginawang raid tulad ng pag-amin ni Lozada sa pagbili nito ng sasakyan at pagbebenta ng jetropha seeds.

FORT BONI

GONZALEZ

LOZADA

NBI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with