Holdaper arestado

Isang 22-anyos na obrero ang dinakip ng mga kagawad ng ba­rangay  matapos  itong irek­lamo ng dalawang estudyante na umano’y hinoldap nito kamaka­lawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Binitbit ng mga tanod sa himpilan ng pulisya ang suspect na nakila­lang si Malakas Cordero, alias Egoy,  ng 543 Aguila St., Tondo, Maynila dahil sa reklamo nila Regie Roxas, 16, ng 1050 Carmen Planas St., Tondo at Analisa Olivar, 14, ng 966 Bilbao St., Tondo, Maynila.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng gabi nang maganap ang naturang panghoholdap sa Lo­renzo Chacon St., Tondo, Maynila.

Naglalakad umano ang dalawang biktima sa naturang lugar ng bigla silang lapitan ng suspect at tutukan ng patalim  saka kinulimbat ang cell­phone at pera ng mga ito.

Nang makalayo ang suspect ay humingi ng tulong ang mga biktima sa mga barangay tanod sa naturang lugar.

Nagsagawa ng fol­low-up operation ang mga tanod na ikinaaresto ng suspect. (Grace dela Cruz)

Show comments