^

Metro

Ex-parak na ‘tulak’, timbog

-

Naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang isang dating pulis na umano’y supplier ng shabu ng  mga mayayamang estudyante sa isang buy-bust operations kama­kalawa ng gabi sa Quiapo, Maynila.

Kinilala  ang suspek na si ex-P02 Celmar Albania, dating nakatalaga sa Caloocan police station.

Lumalabas sa imbestigasyon na  dakong alas-6 ng gabi nang maaresto ang suspek sa gilid ng San Sebastian Church, Quiapo, Manila. Bago maaresto ang suspek ay nakatanggap umano ng impormasyon ang pulisya noong  Pebrero 2 tungkol  sa iligal nitong trabaho.

Si Albania ay sinasabing nagbebenta at distributor ng mga droga sa Quiapo at karamihan sa kanyang mga kliyente  ay mga mayayamang estudyante na nag-aaral sa San Sebastian College, National Teacher’s College at Manuel Luis Quezon University (MLQU).

Dahil dito kaya’t kaagad  nagsagawa ng surveillance ang pulisya at nang positibo ay  plinano ang stake-out operations bago isinagawa ang buy-bust operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek.

Nakuha mula sa pag-iingat ng suspek ang  tatlong sachet ng hinihinalang droga at marked money na ginamit sa buy-bust operations.

Base sa rekord ng PNP, si Albania, na 13 taon na sa serbisyo ay dating nakatalaga sa Caloocan Police Station subalit noong nakaraang taon ay kinasuhan ito ng Absence Without Official Leave (AWOL). (Gemma Amargo-Garcia)

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

CALOOCAN POLICE STATION

PLACE

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with