MMDA di nababahala sa pagsasara ng Rodriguez landfill
Hindi nababahala si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani F. Fernando sa isyung pagpapasara sa landfill station sa Rodriguez Rizal dahil marami naman umanong alternatibong pagtatapunan ng tone-toneladang basura ng Metro Manila.
Ginawa ni Fernando ang pahayag matapos na magbanta si Rodriguez Municipal Mayor Pedro Cuerpo na hanggang Lunes (February 11) na lamang pwedeng magtapon ng basura sa kanilang sanitary landfill stations.
Ang hindi pagbabayad umano ng naturang ahensiya ng “hosting fee”ang siyang kinu kuwestiyon ng pamahalaang lokal kung kaya’ t binantaan at binigyan ng ultimatum ito kaugnay sa nabibimbing pagbabayad nito.
Ayon kay MMDA General Manager Robert Nacianceno, hindi problema ang pagbabayad sa hosting fee ngunit dapat na hintayin muna umano ang ibababang kautusan ng korte kung kanino sila dapat na magbayad dahil tulad ng lokal na munisipalidad, sinisingil din sila ng hosting fee ng Rizal provincial government.
Nauna rito, nagbanta si Mayor Cuerpo na hindi niya papayagang makapagtapon sa kanilang landfill ang anumang truck ng basura na galing sa Metro
Lalo pang lumala ang posibleng krisis sa basura matapos maglabas ng kautusan si DOJ Sec. Raul Gonzalez na nagsasabing walang kapangyarihan si Cuerpo na maningil ng buwis sa mga nagtatapon ng basura sa kanilang landfill.
Sinabi ni Cuerpo na nararapat lamang niyang proteksiyunan ang kanilang lungsod sa pamamagitan ng pagsasara sa dalawang landfill kung hindi niya mapapangalagaan ang kalinisan sa 19 at 14 na ektaryang dalawang landfill bunga ng kawalan ng sapat na salaping pantustos sa pagmamantina.
Ayon pa kay Nacianceno, nakahanda ang MMDA sakaling tototohanin ng alkalde ang bantang pagsasara sa dalawang landfill dahil may iba pa naman umano silang lugar na puwedeng pagtapunan tulad ng
- Latest
- Trending