^

Metro

Carjacker arestado

-

Naaresto ng mga opera­tiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang pinaghi­ hina­laang notoryus na car­jacker matapos itong ma­aktu­hang nagmamaneho ng nakaw na pampasaherong taxi sa Quezon City kamaka­lawa ng gabi. Nakilala ang nadakip na si  Joel Mondia.

Base sa imbestigasyon, ang suspect ay nasakote ng mga operatiba ng Quezon City Police habang ipinapasada ang isang nakaw na taxi sa kahabaan ng 2nd St. sa Cubao ng lungsod bandang alas-7:30 ng gabi. Kasaluku­yan uma­nong naghihintay ng pasahero ang suspect nang ma­dakip ng pulisya.

Itinanggi naman ng sus­pect ang paratang sa pagsa­sabing isang lalaki umano ang nag-utos sa kanya para ipa­sada ang na­sabing taxi.

Bago ito, naispatan ng ope­rator ng nasabing nakaw na taxi habang ipinapasada ng suspect sa Quezon City kaya’t humingi ito ang tulong sa mga awtoridad. Ang nasabing taxi ay ninakaw umano noong Abril ng nakalipas na taon kung saan ang dating DAC taxi na nakatatak dito ay pinalitan ng PAC taxi habang ang plaka nito na TWH-219 ay pinalitan naman ng TWH-210.

Samantalang nadiskubre rin ng mga awtoridad na ang chassis number at engine number ng sasakyan ay tumu­tugma pa rin sa rekord ng ope­rator ng naturang taxi. Naha­harap ngayon sa kasong car­napping ang nasakoteng suspect na kasalukuyan ng nakapiit sa Quezon City Police detention cell. (Joy Cantos)

vuukle comment

CITY

JOEL MONDIA

JOY CANTOS

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

TAXI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with