^

Metro

Shipment  ng droga buhat Mindanao, talamak

-

Tinututukan ngayon ng Philippine Drug Enforce­ment Agency (PDEA) ang ulat na talamak na ship­ment  ng iligal na droga na ginagawa sa Mindanao na idinideliber sa Metro Manila at karatig na bansa.

Sinabi ni PDEA spokes­man Derrick Carreon na patuloy ang kanilang ope­rasyon ngayon katulong ang Philippine Coast Guard at Bureau of Cus­toms (BoC) upang ma­sabat ang smuggling ng droga.

Ito’y matapos silang makatanggap ng intel­ligence report  na ibini­biyahe ang mga nalilikhang droga sa Cotabato City patungo sa ilang lungsod sa Mindanao tulad ng Kidapawan, Koronadal, Tacurong at General Santos. 

Isinasakay rin ang iligal na droga sa barko na nakalagay sa shipment ng spare tires, junk foods at mga pagkaing de-lata patungo sa Metro Manila habang lulan naman ang droga partikular na ang shabu sa mga bangkang pangisda patungo sa Indonesia.

Nilinaw rin ni Carreon na kanila nang nadakip ang ilan sa mga pinangalanang drug lords sa Mindanao na nakilalang sina Kagui Lao ng Cotabato City, Mon­tawal ng Maguindanao, Maghanoy ng North Cota­bato, Marcos Fatima at Black Moro ng Sutal Ku­darat na nasawi nitong nakaraang Enero. (Danilo Garcia)

BLACK MORO

BUREAU OF CUS

COTABATO CITY

DANILO GARCIA

DERRICK CARREON

METRO MANILA

MINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with