Iminungkahi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Alberto Suansing sa pamahalaan na gawin na lamang sa mga govern ment hospitals ang drug test sa mga driver na nais kumuha o magre-renew ng lisensiya.
Ayon kay Suansing, ito ay upang maglaho ang reklamo sa LTO ng publiko na ang ahensiya ang may kasalanan kung bakit mayroon pa ring mga driver ang nakakapagmaneho kahit na ang mga ito ay positibong gumagamit ng droga.
Ang drug test ay isang requirement sa pagkuha ng drivers license sa LTO.
Nilinaw ni Suansing na noong panahon ni DOTC Undersecretary for Trans portation Anneli Lontoc na noon ay LTO Chief ay nailipat na sa Department of Health (DOH) ang pangangasiwa sa drug test.
Anya, upang maituwid nang husto ang sistema sa implementasyon sa drug test, dapat tutukan ng DOH ang bagay na ito at gawin na lamang ang test sa mga government hospitals dahil naniniwala siyang may ilang mga tiwaling drug testing firm ay nagsasagawa ng modus operandi ng non-appearance sa pagkuha ng drug test ng mga aplikante ng drivers license. (Angie dela Cruz)