^

Metro

Drug test sa mga driver, giit gawin sa government hospitals

-

Iminungkahi ni Land Transportation Office (LTO) Chief Alberto Suan­sing sa pamahalaan na gawin na lamang sa mga govern­ ment hospitals  ang drug test sa mga driver na nais kumuha o magre-renew ng lisen­siya.

Ayon kay Suansing, ito ay upang maglaho ang rek­lamo sa LTO ng pub­liko na ang ahensiya ang may ka­sa­lanan kung bakit may­roon pa ring mga driver ang nakaka­pag­maneho kahit na ang mga ito ay positi­bong guma­gamit ng  droga.

Ang drug test ay isang requirement sa pagkuha ng drivers license sa LTO.

Nilinaw ni Suansing na noong panahon ni DOTC Undersecretary for Trans­ portation Anneli Lontoc na noon ay LTO Chief ay na­ilipat na sa Department of Health (DOH) ang pa­nga­nga­siwa sa drug test.

Anya, upang maituwid nang husto ang sistema sa implementasyon sa drug test, dapat tutukan ng DOH ang bagay na ito at gawin na lamang ang test sa mga government hos­pitals dahil naniniwala siyang may ilang mga tiwaling drug testing firm ay nagsasa­gawa ng modus operandi ng non-appearance sa pag­­kuha ng drug test ng mga apli­­kante ng drivers license. (Angie dela Cruz)

ANGIE

ANNELI LONTOC

ANYA

CHIEF ALBERTO SUAN

DEPARTMENT OF HEALTH

LAND TRANSPORTATION OFFICE

SHY

SUANSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with