Nag-proxy sa eyeball, kritikal sa riding-in-tandem

Nauwi sa trahedya ang pagpo-proxy ng isang bi­nata sa kanyang kaibigan na makikipag-eyeball uma­no sa ka-text­mate nito nang pagbaba­rilin ng dala­wang lalaking sakay ng isang motorsiklo kamaka­lawa ng hapon sa Quezon City. Huling Na­iulat na nasa kritikal na kondisyon sa United Doctors Medical Center sanhi ng tama ng bala sa kanyang tiyan at balikat ang biktima na si  Jhon Glen Cadelina, 20,  den­­tistry student sa La Con­­solacion College at resi­dente ng  2nd St., Villa Gloria, Angono, Rizal.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Crimi­nal In­vestigation and Detection Unit, naganap ang insi­dente dakong alas-4:30 ng hapon sa panulukan ng Quezon Avenue at Apo St. sa naturang lungsod.

Ayon sa kaibigan ni Cadelina na si Mel Fran­cis, siya talaga ang text­mate ng babaeng nakilala sa pa­nga­lang Tina na isa uma­nong nursing student.  Pi­nag­pang­gap lamang niya si Cadelina upang makilatis ang hitsura ng babae kung saan pinag­suot pa niya ito ng pinag-usapang damit at siyang humawak sa kan­yang cell­phone.

Sa lugar na tagpuan, na­katayo si Cadelina ha­bang nasa hindi ka­layuan naman si Francis nang du­mating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo at agad na pinagbabaril ang una.  Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Inalis naman ng pu­lisya ang anggulo na pang­ho­hol­dap dahil sa hindi naman kinuha ng mga sa­larin ang maha­halagang gamit ni Cade­lina. May teorya na­man ang pulisya na ma­aaring ka-relasyon ng ka-text­mate nilang ba­bae ang isa sa mga suspek na na­tuklasan ang pakiki­pag­tagpo sana nito.

Sa kabila nito, patuloy pa rin naman ang imbesti­gas­yon ng mga awtoridad sa insidente habang isi­na­sailalim pa rin sa pag­ta­tanong si Francis. (Danilo Garcia)

Show comments