Nag-proxy sa eyeball, kritikal sa riding-in-tandem
Nauwi sa trahedya ang pagpo-proxy ng isang binata sa kanyang kaibigan na makikipag-eyeball umano sa ka-textmate nito nang pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng isang motorsiklo kamakalawa ng hapon sa
Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon sa panulukan ng
Ayon sa kaibigan ni Cadelina na si Mel Francis, siya talaga ang textmate ng babaeng nakilala sa pangalang Tina na isa umanong nursing student. Pinagpanggap lamang niya si Cadelina upang makilatis ang hitsura ng babae kung saan pinagsuot pa niya ito ng pinag-usapang damit at siyang humawak sa kanyang cellphone.
Sa lugar na tagpuan, nakatayo si Cadelina habang nasa hindi kalayuan naman si Francis nang dumating ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo at agad na pinagbabaril ang una. Mabilis namang tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.
Inalis naman ng pulisya ang anggulo na panghoholdap dahil sa hindi naman kinuha ng mga salarin ang mahahalagang gamit ni Cadelina. May teorya naman ang pulisya na maaaring ka-relasyon ng ka-textmate nilang babae ang isa sa mga suspek na natuklasan ang pakikipagtagpo
Sa kabila nito, patuloy pa rin naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang isinasailalim pa rin sa pagtatanong si Francis. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending