^

Metro

PNP umalerto sa ‘Black Friday Protest’

- Joy Cantos, Danilo Garcia -

Inalerto na ng Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) ang mga anti-riot police at mga district commands sa Metro Manila sa posib­leng pagsiklab ng mga demonstrasyon sa mga kalsada bilang simpatiya kay ZTE star witness Ro­dolfo Noel Lozada Jr.

Sinabi ni NCRPO chief, Director Geary Barias na nakaantabay na ang buong puwersa ng Civil Disturbance Ma­nage­ment unit upang pamahalaan ang anu­mang kilos-protesta na anumang oras ay ma­aaring umpisahan ng mga militante at iba pang grupong sumusuporta kay Lozada.

Sinabi rin nito na naki­kipagkoordinasyon siya sa National Capital Re­gion Command ng Armed Forces of the Philippines na nangako naman na mag­papadala ng mga sundalo kung kinaka­ilangan.

Pinaalalahanan na­man ni Barias ang mga anti-riot police na huwag magdala ng baril sa pag­sawata sa mga demons­tra­dor upang hindi ma­aku­sahan ng paglabag sa karapatang pantao.

Ito’y kasabay na rin ng pahayag ng iba’t ibang relihiyosong grupo at militante na magsasa­gawa ng demonstrasyon bukas na tatawagin nilang “Black Friday Protest”. Kabilang dito ang candle lighting pro­test  sa College of St. Benilde sa Taft Avenue, Maynila at pagmamartsa ng mga supporters ni Lozada buhat sa Quezon City patungo sa Senado.

Sa Maynila, dalawang 6x6 trak na puno ng anti-riot police ang dumating na sa Manila Police Dis­trict upang bantayan ang bisinidad ng Malacañang.  Handa naman ang pu­lis­ya na tapatan ang bilang ng mga raliyistang dara­ting at iginiit na ma­higpit pa ring bawal na puma­sok ang mga de­mons­trador sa Mendiola.

ARMED FORCES

BLACK FRIDAY PROTEST

CAPITAL REGION POLICE OFFICE

CIVIL DISTURBANCE MA

DIRECTOR GEARY BARIAS

LOZADA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with