^

Metro

Driver todas sa tanod

-

Patay  ang isang driver ma­ka­raang pagbabarilin ng isang barangay tanod matapos mag­talo sa harapan ng isang videoke bar dahil sa pagtanggi na mag­bayad ng una sa kanilang na­inom, kahapon ng madaling-araw sa Novaliches, Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Mario Cayabyab, 51, at resi­dente ng #1082 Atis Street, Salaw, Brgy. Bagbaguin, Valen­zuela City.

Kusang-loob namang su­muko sa pulisya ang barangay tanod na si Ulysses Almario, 54, deputy ex-o ng Brgy. Novaliches, ng naturang lungsod.

Sa ulat  ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong alas-2:35 ng madaling-araw sa loob mis­mo ng barangay hall sa Bue­namar Avenue, Brgy. Nova.

Nabatid sa imbestigasyon na unang humingi ng tulong ang floor manager ng IRN Videoke bar malapit sa barangay hall ma­tapos na tumangging magbayad si Cayabyab at kaibigan nitong si Florante Garcia sa nainom nilang alak.

Inimbitahan naman ng mga barangay tanod sa pamumuno ni Almario ang dalawa sa barangay hall kung saan patuloy pa ring nakipagtalo si Cayabyab. Humantong umano sa suntukan ang pagtatalo hanggang sa magbunot ng baril ang suspek at paputukan sa ibat ibang parte ng katawan si Cayabyab sanhi ng agad nitong kamatayan.

Nakaditine na ngayon sa Novaliches police detention cell si Almario at nahaharap sa kasong homicide.  Pinag-aaralan naman ng pulisya kung sasam­pahan ito ng kaso dahil sa pag­dadala nito ng baril na ipinag­babawal sa mga tanod. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALMARIO

ATIS STREET

BRGY

CAYABYAB

DANILO GARCIA

NOVALICHES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with