^

Metro

882 empleyado ng PDEA drinug-test

-

Upang  matiyak na walang bantay-salakay na drug user, isinailalim ng pamunuan ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang sorpre­sang drug test  ang ka­nilang 882 empleyado at opisyales kahapon ng umaga.

Nabatid na ipinatawag ni PDEA Director General Dionisio Santiago ang kanyang mga Regional at Provincial Directors at mga staff nito upang du­malo sa regular na flag-raising cere­mony at para sa ibibigay umanong award.

Nagulat na lamang ang mga ito maging ang mga empleyado ng PDEA head­quarters sa Brgy. Pinya­han, Quezon City nang biglang papila­hin at isa-isang isailalim sa drug test sa pangu­nguna mismo ni San­tiago, Dep. Director Ge­neral Rodolfo Caisip at maging mga miyembro ng PNP na nasa ilalim ng PDEA.

Ayon kay Santiago, ang pagsasagawa sa random  drug test ay isang mabi­sang paraan upang maka­tiyak na walang isa man sa em­ple­yado ang  posibleng nasasangkot sa pagga­mit ng ilegal na droga.

Hangarin din ng ahen­siya na maging simbolo at idolo ang mga kawani nito upang  pamarisan ng iba pang tanggapan ng pa­ma­halaan, pribadong tang­gapan at ng publiko upang tuluyang mawaka­san na ang salot na ilegal na droga.

Tiniyak naman ni  PDEA Laboratory Service head Marilyn Dequito na kanilang ipapaalam sa publiko ang resulta ng drug test  sa araw na ma­aaring ipalabas ngayong araw (Martes) upang mabatid kung may mag­po­positibo sa mga suma­ilalim sa nasabing drug test. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

DIRECTOR GE

DIRECTOR GENERAL DIONISIO

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with