Misis kinatay ng mister habang natutulog

Patay ang isang 32-anyos na ginang ma­ka­ra­ang pagta­tagain ito ng kanyang mister  na hini­hinalang na­wala sa ka­tinuan ng pag-iisip ha­bang natu­tulog ang una, ka­hapon ng ma­daling-araw sa Pasig City.

Kinilala ang nasawi na si Genevive Ren­dal, ma­tapos na pagta­­­tagain  ng kan­yang asa­wang si Edwin Rendal, 36, walang trabaho at kapwa na­ka­tira sa #34 Rodri­guez Comp. Brgy. Ro­sario ng na­sabing lungsod.

Sa ginawang im­bes­ti­gasyon ni PO2 Rolando Lipata, may hawak ng kaso, na­ganap ang insi­dente dakong ala-1 ng ma­da­ling-araw habang nasa kasarapan ng tulog ang pamilya.

Sa salaysay ng da­la­gi­tang anak ng mag-asawa, nagising uma­no siya ng bigla na lang bumangon ang kan­yang tatay sa pag­ka­katulog at uma­lis ng kuwarto subalit pag­balik niya ay bitbit  na ang isang itak at pinag­tataga na lang bigla ang natutulog niyang ina.

Kahit takot na takot ang dalagita ay na­gawa pa nitong maka­labas ng kanilang ba­hay at hu­mingi ng tu­long sa mga ba­rangay tanod na nag­ro­ronda.

Mabilis namang ru­mes­­ponde ang mga tanod subalit huli na ang lahat dahil wala ng buhay ang biktima dahil sa halos tinad­tad na ng suspek ng ha­wak na itak ang buong katawan nito. Matapos ma­aresto ang suspek at makuha ang isang jungle bolo na ginamit sa pag­patay ay agad itong di­nala sa him­pilan ng Pasig police.

Sa panayam, sinabi ng suspek na naka­rinig umano siya ng bulong habang nasa kasara­pan umano siya ng tulog at sinasabing patayin niya ang kan­yang asawa dahil may iba na itong kinalo­lokohang lalaki.

Napag-alaman din sa ginawang imbesti­gasyon na dating gu­ma­gamit ng ilegal na droga ang sus­pek, at posibleng hang­gang ngayon ay guma­gamit pa rin ito kaya na­gawa ang nasabing krimen.

“Dahil po sa pag-ibig kaya nagawa kong pata­yin ang asawa ko. Ma­lakas ang kutob ko na may iba siyang lalaki,”  saad ng sus­pek na kasa­lukuyang naka­piit sa Pa­sig detention cell habang inihahanda ang ka­song parricide laban dito.

Show comments