Binoga ng sidecar boy

Isang 17-anyos na bi­natilyo ang nasa kri­tikal na kalagayan nga­yon matapos pagba­barilin ng isang sidecar boy habang naglalakad sa Tondo, Manila ka­hapon.

Mabilis namang isi­nugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Alvin Austria, 17, estud­yante, ng Amarlahan­hagui Street, Tondo.

Nadakip naman ng mga barangay kagawad ang suspek na si Jay-R David, 18, sidecar boy, ng 1681 F. Varona Street, Tondo.

Naganap ang pama­maril dakong alas-9:50 ng gabi habang nagla­lakad ang biktima ka­sama ang kanyang ka­ibigang si Art John Marines, 16, nang bigla na lamang itong binaril ni David sa kanang kata­wan ng biktima. Hinala ng pulisya na may ma­tagal nang alitan ng da­lawa. (Grace dela Cruz)

Show comments