^

Metro

Bank robbery tumaas ng 50% sa MM

-

Iniulat ng National Ca­pital Region Police Office (NCRPO) ang pag-akyat ng may 50% ng insidente ng bank robbery sa Metro Manila nitong taong 2007.

Base sa kanilang da­tos, inamin ni NCRPO Di­rec­tor Geary Barias na mas maraming naitala na pan­lo­loob ng mga bangko sa taong 2007 kumpara noong taong 2006.

Sa kanilang record, 54 insidente ng bank robbery ang naganap nitong 2007  kumpara sa 20 noong 2006. Kabilang sa natu­rang bilang ang panloloob mismo sa bangko, payroll robbery matapos na ma­ka­­labas sa banko, pang­ho­­holdap sa indibiduwal na nag-withdraw at armored van robbery.

Pinakahuling insidente ng panghoholdap ngayong 2008 ang naganap na panloloob sa Land Bank of the Philippines sa West Avenue, Quezon City kung saan iniimbestigahan ang isang grupo ng mga dating pulis at sundalo na kumi­kilos rin sa Luzon.

Sa kabila nito, bumaba naman umano ng 3.34% ang kabuuang insidente ng kri­men sa Metro Manila nitong 2007 kumpara noong 2006.

Nangako naman si Barias ng patuloy na police visibility, checkpoints at dagdag na pagsasanay sa kanilang mga tauhan upang lubos na mala­banan ang grupo ng mga criminal na handang ma­ki­pagpa­tayan sa mga alagad ng batas. (Danilo Garcia)

DANILO GARCIA

GEARY BARIAS

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

METRO MANILA

NATIONAL CA

QUEZON CITY

REGION POLICE OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with