^

Metro

Hiwalay na gusaling pang-Hukuman, giit ng SC

-

Paghiwalay umano sa gusaling pang-Hukuman ang siyang solusyon ng Korte Suprema upang matutukan ang seguridad ng mga pagdinig at hindi na masundan pa ang madugong pangyayari sa Manila Regional Trial Court (RTC).

Sinabi ni Supreme Court (SC) spokesman Atty. Midas Marquez, security nightmare umano ang kalayagan ng Manila courts dahil nasa loob ito mismo ng mga gusali ng pamahalaang lungsod o mga city hall.

Dahil dito kayat hindi umano makontrol ng mga security personnel ang paglalabas pasok ng mga tao dito.

Idinagdag pa ni Marquez na posibleng gamitin ang mga gusaling pambayan at panlung­sod bilang alternatibo kung matitiyak ang seguridad ng mga ito kontra sa sinumang posibleng mag-sabotahe.

Aminado naman si Marquez na mayroong pagkukulang sa mga hukuman kaya’t naganap ang katulad na insidente sa MRTC kung saan napatay si dating Sapang Dalaga, Misamis Occidental Mayor Reynaldo Yap matapos itong pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek.

Nagpahayag na rin ng kalungkutan at pagkadismaya si SC Chief Justice Reynato Puno dahil  sa naturang pangyayari. (Gemma Amargo-Garcia)

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

GEMMA AMARGO-GARCIA

KORTE SUPREMA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

MARQUEZ

MIDAS MARQUEZ

MISAMIS OCCIDENTAL MAYOR REYNALDO YAP

SAPANG DALAGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with