3 biktima ng salvage natagpuan
Tatlong bangkay ng hindi nakikilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Mandaluyong at Las Piñas kahapon.
Ayon sa ulat, unang natagpuan dakong ala-1:10 ng madaling-araw ang bangkay ng lalaki na biktima na nakasilid sa isang sako sa may Times
Nakuha na nakasabit sa katawan nito ang isang karton na nagsasaad na “Huwag pamarisan holdaper ako”.
Nabatid na may tama ng bala ng baril sa kaliwang sentido ang biktima na kung saan nakagapos pa ang mga kamay at paa gamit ang isang nylon cord bago sapilitang pinagkasya sa isang maliit na sako.
Samantala, dalawa pang bangkay ng hindi nakikilalang lalaki ang natagpuan kahapon ng umaga sa Las Piñas City na kapwa tadtad ng tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan.
Ayon kay Arsenio Unay, security guard ng Zodiac Security Agency, natagpuan nito ang bangkay ng dalawa dakong alas-6:30 ng umaga kahapon sa may Kirishima St,, hindi kalayuan sa lagon ng inabandonang Tropical Palace Hotel na matatagpuan sa loob ng subdivision ng BF International.
Sinabi pa ni Unay na habang siya ay nagpapatrolya sa lugar ay nakita nito ang dalawang biktima na nakahandusay sa bakanteng lote na parehong may tama ng bala sa ulo at katawan. (Edwin Balasa at Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending