^

Metro

Tubig sa Malate kulay at amoy ‘ebak’

-

Nanawagan kahapon ang mga residente ng  San Andres Street, Zone 77, Brgy. 704,  Malate, Manila sa pa­mu­­nuan ng Maynilad na aksiyunan ang kanilang reklamo hinggil sa kulay at amoy ‘ebak’ na tubig na luma­labas sa kanilang gripo na umano’y posibleng dahilan   nang pagkalat ng iba’t ibang uri ng sakit sa kanilang lugar.

Pinangunahan ni Sylvia Luz,  ng #584-L,  San Andres St., ng nabanggit na lugar ang naturang panawagan.

Nabatid kay Luz at sa ilang kabarangay nito, na halos magdadalawang linggo ng mistulang kalbaryo ang kanilang dinadanas, dahil hindi nila magamit ang tubig na lumalabas sa kanilang mga gripo. Hindi aniya sila makaligo at makapaglaba dahil ang lumalabas na tubig sa kanila-kanilang mga gripo ay kulay at amoy ebak.

Ayon sa mga residente, tatlong beses na nilang ini­rek­lamo sa tanggapan ng Maynilad ang kanilang prob­le­ma, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pang gina­ga­wang aksiyon ang nabanggit na tanggapan. (Lordeth Bonilla)

KANILANG

LORDETH BONILLA

MAYNILAD

SAN ANDRES ST.

SAN ANDRES STREET

SHY

SYLVIA LUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with