Sakaling matuloy ang paglilipat ng Pandacan Oil depot sa Batangas, plano ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na gawing isang commercial zone, pagamutan o di kaya ay paaralan ang 10-ektaryang lupain na kinatitirikan nito sa lungsod.
Maisasagawa lamang anya ito kung kakatigan na ng Mataas na Hukuman ang petisyon ng lokal na pamahalaan na mailipat na sa ibang lugar ang oil depot. (Doris Franche)