2 miyembro ng ‘bolt cutter gang’, timbog

Dalawang miyembro ng “Bolt Cutter Gang” ang na­aresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD)  na umano’y nambibiktima sa ilang mga internet shops sa Maynila at sa kalapit lugar nito.

Nakilala ang mga sus­pek na sina Romeo Lorenzo at Rodel Lorenzo. 

Nada­kip ang mga suspek  sa #825 Leyte St., Sampaloc, May­nila  at narekober dito ang 30 CPU’s, 30 pcs. com­puter mo­nitors, 18 pcs. computer keyboards at ilang com­puter acces­sories, isang bag na naglalaman ng iba’t ibang  wrist watches, acetylene tanks, bladed weapons, isang jeep na may plakang DLC-860 at isang tricycle  na gina­gamit umano ng nabanggit na grupo sa illegal na aktibi­dad nito.

Sinabi naman ni MPD District Director Roberto Rosales na patuloy na magsasagawa ng pagsalakay ang mga ta­uhan ng MPD upang malansag ang mga sindika­tong namemerwisyo umano ng mga negosyong tulad ng inter­net shops at pawnshops sa Maynila. (Grace dela Cruz)

Show comments