Swiss national 12-oras kumain sa restaurant, ‘thank you’ ang ipinambayad
Kalaboso ang kinasadlakan ng isang Swiss national na kumain ng may labindalawang oras at simpleng “thank you” lamang ang ipinambayad nito sa kanyang nakunsumo sa isang high class na restaurant, kamakalawa ng gabi sa
Kasong estafa ang isinampa laban sa suspect na si Rene Kurt Meiehans, 56, interior designer at pansamantalang nakatira sa 33 Florida St., Timog Park, Angeles City, Pampanga.
Ayon sa reklamo ng bar tender na si Pocholo de Leon, 22, residente ng 519 Vergel St., Pasay City, unang pumasok ang suspect sa isang Italian restaurant na nasa isang higanteng mall sa Macapagal Avenue, Pasay City dakong alas-10 ng umaga.
Ang suspect ay unang umorder umano ng fish fillet, brewed coffee, at iba pang makakain at nanatili sa naturang restaurant ng may 12-oras.
Ayon pa kay De
Nang singilin na umano ang suspect sa kabuuang halagang nakunsumo sa nasabing restaurant, tahasang ipinagtapat nito na wala siyang perang ipambabayad at pinasalamatan na lamang ang nagsilbing waiter.
Dahil dito, agad na tumawag ng pulis ang tagapangasiwa ng restaurant na nagbunga sa pagkakaaresto ng suspect.
Sa himpilan ng pulisya, nadiskubre na wala talaga umanong pera na pambayad ang suspect at wala rin umano itong intensiyon na bayaran ang kanyang kinain. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending