Japanese pedophile, ipinadeport
Itinapon palabas ng bansa ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 71-anyos na Japanese pedophile na nahatulan sa kasong panggagahasa sa isang 8-buwang sanggol na batang babae sa Parañaque City anim na taon na ang nakakaraan.
Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag ni Immigration Commissioner Marcelino Libanan ang akusadong si Yukitoshi Matsushita, ilang oras bago isakay sa Philippine Airlines patungong
Nilinaw ni Libanan na ipinatapon palabas ng bansa si Matsushita dahil sa summary deportation order ng BI board of Commissioners na ipinalabas noong Pebrero 21, 2002.
Bukod dito, sinailalim sa immigration blacklist at ipinagbabawal nang muling pumasok sa bansa ang akusado. Nabatid na ipinasa sa BI ng Bureau of Corrections si Matsushita matapos itong mapalaya mula sa pagkakapiit sa New Bilibid Prison (NBP) makaraang pagkalooban ng conditional pardon ng Malacañang sa kasong rape at nahatulan ng pagkakakulong ng 10 hanggang 14 taon.
Lumalabas sa record na ginahasa ni Matsushita ang 8-buwan pamangkin ng kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa Sucat, Parañaque noong Oktubre 1, 2001 at napiit noong Pebrero 14, 2002 matapos na maaresto ng mga operatiba ng BI. (Gemma Amargo-Garcia at Ellen Fernando)
- Latest
- Trending