^

Metro

Obrero nagbigti

-

Masusing imbestigas­yon ngayon ang isinasa­gawa ng pulisya dahil sa hinalang “foul play” sa pag­kamatay ng isang obrero na sinasabing nagbigti sa loob ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Romeo Arquilllano, 30, may-asawa, at residente ng #153 Smile Citihomes, Brgy. Kaligayahan, ng naturang lungsod. Sa ulat ng Quezon City Police Dis­trict-Criminal Investigation and Detection Unit, natag­puan ang bangkay ng bik­tima dakong alas-8:40 ng gabi sa loob ng kanyang bahay.

Sinabi ng pamangkin ng biktima na si Mark Arquillano na nagpabili sa kanya ang tiyuhin ng si­garilyo sa tindahan.  Nang bumalik siya, dito na niya nadiskubre ang nakabig­ting tiyuhin na wala nang buhay. Agad na humingi ng saklolo ang bata sa mga kapitbahay na tinangka pang iligtas sa kamatayan ang biktima ngunit hindi  na rin ito umabot ng buhay nang isugod sa paga­mu­tan. Inaalam ngayon ng mga awtoridad ang posib­leng motibo ng biktima sa umano’y pagbibigti ka­bilang na ang posibleng problema sa pamilya o sa trabaho.  Inaaalam rin ng pu­lisya kung may foul play sa naturang insidente. (Danilo Garcia)

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DANILO GARCIA

MARK ARQUILLANO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DIS

ROMEO ARQUILLLANO

SHY

SMILE CITIHOMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with