^

Metro

Tanker sumabog

- Ni Grace Dela Cruz -

Natusta at namatay ang isang 54-anyos na ne­gosyante, habang nasa kri­tikal namang kon­disyon ang kanyang misis nang ma­sunog ka­sama ng kanilang sasak­yan maka­raang ma­da­may nang sumabog ang isang oil tanker sa Sam­paloc, May­nila ka­ma­kalawa ng gabi.

Halos hindi na ma­kilala sanhi ng matinding pagka­sunog ang bikti­mang si Melencio Aquino,  habang dumanas naman ng 2nd degree burns ang kanyang asawang si Jemma, 54, negosyante, kapwa resi­dente ng #35 Luna St., La Loma, Que­zon City. Ang huli ay ka­sa­lukuyan pang ino­obser­bahan sa UST Hospital.

Habang patuloy na­man na pinaghahanap ng pu­lisya si Leonardo Be­namir, tinatayang nasa 35-40 anyos, driver ng fuel tanker na may pla­kang PXT-482  na tuma­kas ma­tapos ang insi­dente.

Ayon sa imbestigas­yon ni Det. Rommel del Ro­sario ng Manila Police Dis­trict (MPD)-Homicide Sec­tion, dakong alas-9:30 ng gabi nang ma­ganap ang pag­sabog sa paanan ng Nag­tahan fly­over malapit sa G. Tua­zon St., Sampa­loc, Manila.

Nabatid na galing ang fuel tanker sa oil depot sa Pan­dacan matapos na mag­karga ng 14,000 litro ng diesel at 2,000 litro ng gasolina para i-distribute ito sa iba’t ibang gas stations.

Habang binabagtas ni Benamir ang naturang lugar ay hindi maipali­wa­nag na may tumagas umano sa laman ng oil tanker mula sa steel pipe valve na nag­resulta sa pagsabog nito.

Nagkataon namang nasa kanang bahagi ng oil tanker ang sasakyan ng mag-asawang Aquino na isang Toyota Altis na may plakang XKS-309 na ina­bot ng pagsabog at nag-apoy.

Si Melencio na siyang nagmamaneho ang lub­hang naabot ng apoy na naging sanhi ng pag­ka­tusta nito. Masuwerte namang nakababa ng kotse ang asawa nito, ga­yunman nagtamo pa rin ito ng second degree burns.

Nadamay din sa pag­sabog ang minamane­hong taxi ni Roque Baruela na  may plakang TWL 636, na kasunod lamang ng kotse ng bik­tima. Kabilang din sa mga nadamay na sasakyan ay isang Honda Civic (UJH 252); Mitsubishi Box-Type (PKX 356); Mitsubishi Lancer (UBB 491); Nis­san Sentra (TBR 587); Tama­raw Pick-Up (DGZ 488); Truck Forwarder (CTW 582); AUV (UHW 559; at Scooter (No. ZL-9530) na pawang na­ka­parada ma­lapit sa naturang lugar. 

Inihahanda na ang   kasong reckless impru­dence resulting to homi­cide and damage to pro­perty laban sa suspek.

HABANG

HOMICIDE SEC

HONDA CIVIC

LA LOMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with