Fire safety permit ng Glorietta 2 kinansela
Kinansela na ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) ng Glorietta 2 sa
Opisyal na kinansela ni BFP-National Capital Region director, Sr. Supt. Ruben Bearis ang FSIC nito kamakalawa ng tanghali. Nabatid na magtatapos pa sana ang permit sa Hulyo 27, 2008 ngunit napuwersa ang BFP na kanselahin na ito dahil sa naganap na pagsabog dito noong nakaraang taon.
Nagpadala rin ng kopya ng kautusan at kanselasyon ng FSIC si Bearis sa Makati Supermarket Corporation at Office of the Building Official ng Makati City kung saan ipinapaliwanag na kailangan ito upang hindi na malagay sa panganib ang publiko sa hinaharap.
Sa ginawa nilang inspeksyon sa Glorietta 2, iginiit ni Bearis na may “imminent danger” na sa istruktura nito dahil sa impact ng pagsabog, partikular sa mga lugar na napuruhan.
Inaasahan naman ni Bearis na sumunod sa ipinalabas na kanselasyon ng FSIC ang pamunuan ng Ayala Land na siyang operator ng Glorietta at magsagawa pa ng dagdag na aksyon upang maging ligtas ang kanilang mga parukyano sa ka tabing Glorietta 1, 3 at 4 na bukas pa sa publiko.
“Parang operate at your own risk ang mangyayari diyan, at sa mga tao, shop at your own risk,” ayon kay Bearis. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending