^

Metro

Mandatory inspection sa oil tankers iniutos ni Lim

-

Agad  na ipinag-utos ni Manila Mayor Alfredo S. Lim sa mga kompanya ng langis na magtalaga ng safety inspectors upang matiyak na hindi na mauulit pa ang na­ganap na pagsabog ng isang oil tanker na ikinasawi ng isa at nagdamay ng ma­higit sampung sasakyan, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ipinabubusisi na rin ng alkalde sa mga imbestigador ng Manila Police District (MPD) ang naganap na pagsabog ng tanker upang alamim kung may motibong hiyain ang pamahalaan.

Nagbabala din si Lim sa mga oil companies na hindi na dapat pang maulit ang nasabing insidente lalo’t may luma­labas na report na may leak o tagas ang nasabing oil tanker na nagdala ng kapa­hamakan at pagkitil ng buhay.

Dapat aniyang, tiyakin ng mga oils companies ang kaligtasan ng mga mama­mayan lalo na’t highly-combustible ang kanilang negosyo. Hindi umano prayo­ridad ang negosyong ito kung malalagay sa panganib ang buhay ng publiko,” ani Lim.

Matatandaang naging kontrobersiyal ang pagpapalayas sa tatlong higanteng kompanya ng langis sa Pandacan oil depot na sinasabing banta sa buhay ng mga residenteng nasa paligid lamang nito. (Ludy Bermudo)

DAPAT

IPINABUBUSISI

LUDY BERMUDO

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT

MATATANDAANG

MAYNILA

NAGBABALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with