^

Metro

Raliyista bigo  sa Mendiola

-

Bigo ang mga raliyista sa pa­ngunguna ng Kilusang Mag­bu­bukid ng Pilipinas na maka­lapit sa Mendiola para doon magsa­gawa ng kanilang pro­grama bilang paggunita sa ika-21 ani­ber­ saryo ng Mendiola massacre.

Hindi na rin nagpilit pa ang mga raliyista ng harangin sila ng may 2,000 tauhan ng pulisya nang marating nila ang harapan ng San Sebastian College sa Recto na doon na lamang nila sini­mulan ang programa.

Tinatayang aabot din sa 2,000 katao ang sumama sa isinagawang rali na lumikha ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko mula sa Morayta , Recto at Legarda.

Pinairal naman ng mga pulis ang maximum tolerance at pinagbawalan ang mga ito na magdala ng baril.

Samantala, inaresto  ng mga tauhan  ng MPD ang isang im­bes­tigador ng Commission on Human Rights (CHR)  matapos na mahulihang may bitbit na baril habang nasa gitna ng kilos – protesta kahapon sa Men­diola, Maynila.

Nakilala ang dinakip na si  CHR Investigator Policronio M. Nalangan Jr. habang ito’y nagla­lakad sa kahabaan ng C.M. Recto, Sta. Cruz, Maynila  sa tapat ng KFC Restaurant.

Nakita umano si Nalangan na naglalakad at mayroong nakabukol sa tagiliran nito at ng kapkapan ay positibong may­roon itong dalang baril.

Gayunman, naiprisinta naman ni Nalangan ang kan­yang permit to carry at ang mission order kung kaya’t legal umano ang kanyang pagdadala ng baril.

Ikinatuwiran ni Nalangan na wala umano siyang planong mang­gulo sa rally dahil su­sunduin lamang umano niya ang kanyang anak na nag-aaral sa isa sa mga kolehiyo sa kahabaan ng university belt.

Hindi naman kumbinsido ang pulisya sa ikinatuwiran ni Nalangan kung kaya’t isasampa dito ang kasong paglabag sa Batas Pambansa 880 sec 13 paragraph g. – public assembly. (Grace dela Cruz at Doris Franche)

BATAS PAMBANSA

CRUZ

DORIS FRANCHE

HUMAN RIGHTS

NALANGAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with