^

Metro

P328-M para sa road widening ng MMDA

-

Plano ng Metropolitan Manila Develop­ment Authority (MMDA) na mag-road widening sa Andrews Avenue  na posibleng makumpleto  sa loob ng apat na buwan ng 2008.

Sa isinagawang pag-aaral ng naturang ahensiya, anim na linya ang balak gawing pagpapalapad ng kalsada dahil sa napi­pintong dodoble ang dami ng sasakyan sa 2015 lalo na kapag naging operational na ang NAIA 3 terminal.

Nabatid na binuksan ng MMDA ang pinakabago nitong proyekto sa lansangan upang mapaluwag ang trapiko sa Andrews Avenue malapit sa NAIA 3 terminal sa Pasay City .

“Naresolba na rin ang pagsisikip ng trapiko sa Manlunas at Sales Streets patungo sa Andrews Avenue at NAIA 3 terminal na noon ay naging parking area ang  kahabaan ng kalsada dahil sa ma­bagal na usad ng mga sasakyan,” pahayag ni MMDA Chairman Bayani F. Fernando,

Sa proyektong road widening na tatagal sa loob ng 12 hanggang 18 buwan, tina­tayang aabot ng P48 milyon ang ga­gastusin at sa konstruksiyon naman ng flyover at widening ng Andrews Avenue ay posibleng gumastos ng P280 milyon.

Napag-alaman na nagbigay ng donas­yon ang  management ng NAIA 3 na 15-metro ng kanilang property line sa MMDA para sa karagdagang lane-component ng rotonda. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ADDRESS

ANDREWS AVENUE

CHAIRMAN BAYANI F

FERNANDO

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

ROSE TAMAYO-TESORO

SALES STREETS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with