Sasanayin ng Philippine’s 8-time Southeast Asian Games Judo gold medalist John Baylon ang mga atleta ng Quezon City para makasabak sa mga international competitions.
Ang interes ni Baylon na magsanay ng mga atleta ng lunsod ay ginawa nang tanungin kung nais niyang magbigay kaalaman sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga may potential na sumunod sa kanyang yapak sa ilalim ng QC Sports Development Program.
Ang first class airman ng Phil Airforce na si Baylon ay matagal nang residente ng lunsod at matagal nang nagsanay ng Judoka sa Japan. (Angie dela Cruz)