^

Metro

Dalagita ginulpi ng ina ng kanyang classmate

-

Nasira ang maamong mukha ng isang first year high school student  nang gulpihin, sakalin  at pag­kakalmutin  ng ina ng kan­yang kaeskwela dahil ayaw ng suspek na  bu­mar­­kada ang kanyang anak sa biktima  sa Ca­loocan City kahapon ng umaga.

Bukod sa napakarami at matinding sugat sa magkabilang pisngi  ay nagka-black eye din ang kaliwang mata at may mga sugat sa leeg mata­pos suntukin at sakalin ang biktimang si Rochelle Cruz y Mallari, 14, estud­yante ng Maypajo High School.

Kinilala naman ang sus­pek na si Aarona Gutierrez, may sapat na gulang, taga Kanluran Village, Caloocan City.

Ayon sa sinumpaang salaysay ng biktima sa tanggapan ng Women’s and Children Protection Desk, Caloocan City Po­lice, naganap ang insi­dente dakong alas-11 ng umaga sa Tambakan St., Maypajo ng naturang lugar.

Sinabi ni Cruz na  big­la na  lang siyang nilapi­tan ng galit na galit na si  Gu­tierrez, nanay ng kan­yang kaklase na si Jamie bago siya sinakal, sinam­pal, kinalmot at sinuntok.

“Habang kinakalmot po ako ay gusto niya akong patayin, sobrang sakit at hapdi po at kahit dugo-dugo na ang mukha ko ay sige pa rin po siya sa pagkalmot at salit-sali­tan po sinasakal, sina­sam­pal at sinusuntok niya po ako,”  pahayag ng bik­ti­ ma habang ito ay umi­iyak.

Sinabi ng biktima na galit umano sa kanya ang suspek dahil malapit ang anak nitong si Jamie sa kanya sa kabila ng ma­ dalas umanong sabi­hin ng suspek na umiwas at huwag makipagkaibi­gan sa biktima. (Lor­deth Bonilla)

vuukle comment

AARONA GUTIERREZ

CALOOCAN CITY PO

CHILDREN PROTECTION DESK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with