^

Metro

Banderitas ipagbawal!

- Gemma Amargo-Garcia -

Ipinahihinto na ng isang en­vironmental advocacy group ang paggamit ng ban­de­ritas  bilang dekorasyon sa pag­diriwang ng mga ka­pistahan.

Ang panawagan ng Eco­Waste Coalition ay kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño sa Tondo, May­nila bukas Enero 20.

Ayon kay Rei Panaligan, Coordinator ng nasabing grupo, sa halip na mga dis­posable banderitas, hinihi­kayat nilang gumamit na lamang ng mga “environ­mentally-safe” na dekorasyon sa mga ka­pistahan.

Kasabay nito, hinimok din ng grupo ang mga Parish Priest at mga Local Govern­ment Units (LGUs) na magpa­tupad ng “total ban” sa pag­gamit ng “disposable” ban­deritas.

Sinabi pa ni Panaligan, na dapat magkusang kumilos ang mga Parish Priest at mga LGUs para hikayatin ang mga residente na gumamit na lamang ng mga dekorasyon na pagkatapos ng pagdiri­wang ng piyesta ay maaring hugasan o linisin, itago at ga­mi­tin muli sa susunod na taon.

Ayon sa grupo, nakaka­ ba­hala ang paggamit ng ma­raming disposable plastic bags, packaging scraps at straws, bilang banderitas sa pagdiriwang ng mga ka­pistahan.

Maliban sa makakadumi na ito sa kalikasan ay wala rin uma­nong ganda o gara ang banderitas sa tunay na diwa ng piyesta kayat hinikayat ng grupo ang mga organizers na gumamit na lamang ng mga piraso at makukulay na tela na siyang magsisilbing ban­deritas.

Babala pa ng eco-group ang mga plastic “banderitas” ay hindi lang makakasama sa kalikasan kundi maging sa ka­lusugan ng bawat isa dahil ma­tinding polusyon ang idu­dulot nito kapag itinapon o sinunog matapos ang pag­diriwang. Kung hindi naman susunu­gin, babara lamang ito sa mga drainage, estero at mga ilog sa sandaling bumu­hos ang ulan at magkaroon ng mga pagbaha.

AYON

LOCAL GOVERN

PARISH PRIEST

REI PANALIGAN

SHY

WASTE COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with