Holdaper dedo sa parak

Isa sa tatlong holda­per ang kaagad na bi­na­wian ng buhay ma­tapos makipagba­rilan  ang mga ito sa  isang pulis na nag­mamay-ari ng tindahan ng mga motorcycle spare parts na kanilang tinang­kang looban kahapon ng umaga sa lungsod ng Caloocan.

Samantala, suga­tan din ang pulis na naka­sa­­gupa ng mga sus­pect.

Kinilala lamang ng pulisya ang suspek na nasawi sa alyas Boy Toyo na nagtamo ng ilang tama ng bala sa katawan buhat sa isang kalibre 9mm. Samantala mabilis na­mang tumakas ang dala­wang kasamahan nito.

Nilalapatan naman ng lunas sa Manila Cen­tral University (MCU) Hospi­tal si  SPO2 Rommel Sa­gala, nakatalaga sa   Re­gion 3 sa Pampanga, nag­tamo ito ng tama ng bala sa balikat buhat sa hindi pa batid na ka­libre ng baril.

Sa inisyal na ulat,  na­ganap ang insidente dakong alas-7 ng uma­ga sa JJD Motorcycle Spare Parts, na pag-aari ni SP02 Sagala, na mata­tag­puan sa pa­nu­lukan Rizal Ave­nue Extension at 8th Ave­nue, Caloocan City.

Nabatid na nag­pang­­gap na mga kos­tumer ang mga suspek at kuma­tok sila sa na­banggit na tinda­han kahit sarado pa ito.

Dala ng pagiging ala­gad ng batas ni Sagala, naramdaman niya na mga masasa­mang loob ang mga suspek, kung kaya’t bilang pain, pina­pa­sok niya ang mga ito.

Dito na nilabas ng mga suspek ang ka­nilang mga baril at nagdeklara ng holdap, ngunit lingid sa ka­nilang kaalaman ay dala na ni Sagala ang kanyang baril.

Naging maagap ang nabanggit na ala­gad ng batas, pinapu­tukan niya ang mga ito, su­balit gu­manti  ng putok ang mga hol­daper hang­gang sa nakipag­barilan na ang mga ito.

Sa insidenteng ito, dead-on-the-spot ang isa sa tatlong holdaper at si Sagala naman ay tina­maan sa balikat nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments