Buntis na ‘Akyat-bahay’ timbog

Arestado ang isang babaeng anim na buwang buntis makaraang ma­aktuhan itong ninanakawan ang isang bahay na kanyang pinasok kahapon ng umaga sa Marikina City.

Kinilala ang suspek na si Rose­marie Espanol, 28, hiwalay sa asawa at resi­dente ng Purok 4, Brgy. Malanday, Marikina.

Napag-alaman   na   ang   suspek  ay na­aktuhan habang nililimas ang bahay ni Antonio Ramos, 38, emple­yado ng Marikina City Engineering Department.

Nabatid na umuwi dakong alas- 11:50 ng umaga ang biktima sa ka­ nilang bahay sa 11 Dela Paz St. Brgy. San Roque upang doon mananghalian.

Laking gulat ng biktima nang pag­bukas niya ng kanyang bahay ay nakita doon ang suspek na bitbit na ang ilang maha­halagang gamit sa bahay na aktong papatakas kaya agad niya itong hinabol at itinawag sa himpilan ng pulisya.

 Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang mga iba’t ibang klase ng susi na pinani­niwalaang siyang ginamit sa pagbukas ng bahay ni Reyes.

“Mukhang notorious na magna­nakaw ito at hindi lang basta baguhang magnanakaw, sanay sa paggamit kung anong susi ang gagamitin sa pagbu­bukas ng bahay,” pahayag ni Cruz sa ginawang panayam. (Edwin Balasa)

Show comments